Ang simula ng pagdadalaga ko...

Saturday, August 26, 2006

COMING SOON!

May nagdadalaga…

Photobucket - Video and Image Hosting
May nagbibinata…

Photobucket - Video and Image Hosting


From the makers of
“Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros"

ufo Pictures presents
SARONG BANGGI

sa SEPTEMBER 6 na!

in SM Digital Cinemas
Cebu Clark Davao
Fairview Mall of Asia
Manila Megamall North Edsa
Pampanga South Mall Sta.Mesa

Friday, August 18, 2006

flawer for u inggo!

may napulot akong flawer! kinunan ko ng piktyur gamit ang selpown ni papa. eto siya o! kulay pink!

Photobucket - Video and Image Hosting

bagay iipit sa tenga ko! pero para talaga kay inggo yung flawer. eksayted na ko mapanood si makisig e. nakukyutan talaga ko sa kanya. sayang bata pa siya para maging papa! mukhang maraming papable dun sa palabas na yun kaya kelangan unahan ko sina kuya sa tv sa 28 kc manonood na naman yung mga yun ng iskehemer!

Photobucket - Video and Image Hosting

go super inggo! hangkyut mo!!!

Friday, August 11, 2006

paganda ko ng paganda!

helowie! namiss ko kayong mga sisters at mga fafa diyan! muwaaah! tsup tsup =D

sensiya na ngayon lang ako ulit nakabalik. pano ba naman nakalimutan ko kung pano balikan tong blog ko. yun pala kelangan ng pasword e nakalimutan ko rin. buti na lang naalala namin ulit ni leslie. sigurado gusto niyo makita kung gano na ko kaganda ngayon noh? siyempre max-maganda! :)

Photobucket - Video and Image Hosting
(c/o star studio)

ganda ko no? marami nga mga boys na sumisipol pag dumadaan ako sa min e. si kuya boy tuloy lagi ako pinapagalitan. wag daw akong magsusuot ng maiiksing shorts e ano gagawin ko kung ginawa talaga kong seksi ni lord di bah? ahihihi! tsaka lapitin talaga ko ng boys e. hirap talaga ng byuti!

naku teka aalis na ko. pupunta kami nina nar at leslie sa lamay sa kabilang bahay e kasi namatay yung tatay nung kasama namin sa SBBS na nag-iba na nga pala ng ibig sabihin kasi di na kami bata e kaya ang SBBS ay Samahan ng mga Bwutiful Bading sa Sampaloc, taray noh!) sigurado nandun lahat mamaya ng boys wag lang sana ko mahuli nina papa ahuhuhu :)

hmmm ano kaya i-aawtfit ko sa lamay? ah alam ko na! yung peyborit kong tsinelas na bigay ni papa, yung shorts kong blue at white, tsaka yung yelow kong sando na may nakasulat sa harap na kiss me! maglalagay na lang ako ng ribbon na black sa hair ko! ayuzzzz!

Wednesday, November 30, 2005

relaks, wach a movie!

helowie! excited ako ngayon! magba-bonding kaming magkapamilya. marami kasing naibentang celfon si papa kaya ililibre nya kami ng sine! yey! gagayahin ko na si ate sarah geronimo at sisigaw na ako ng woohoo! ang saya saya! mahilig talaga kami sa sine nina papa at kuya. palagi nga kaming nanonood ng dvd sa bahay eh. paborito nila yung aksyon, yung maraming sumasabog, yung gawa sa states. ayoko ng ganon, mas gusto ko pa rin ang pelikula na gawa sa atin. yung nakaka-touch at nakakaiyak. sabi ni papa, ako raw ang masusunod sa pelikula na panonoorin namin ngayon. sa tingin nyo anong magandang palabas na dapat panoorin?

hindi ko pa pala na post mga piktyur nina papa at kuya dito noh?! ahihihihi. baka magalit sila sa akin pero kebs na. labs ko sila kaya proud akong ipakilala sila sa nyo...


ito si kuya boy. mahiyain sa camera ang aking poging kuya...


ito naman si kuya bogs. hindi siya mahiyain, hihihi...


at shempre, si papa! ang manlilibre ng sine! woohoo!

kayo, manonood din ba kayo ng sine ngayon? sana oo para magkita kita tayo! ahihihihihi :)

Sunday, November 27, 2005

waaaaaaaaah!

waaaaaaah!!!!!! nakita ko na si makisig sa personal!!!!!!!!!!!! grabeh, ang kyut kyut nya talagah!!!! ganto kse yun, me lakad kse si papa sa may quezon city. basta may pagbebentahan raw sha ng celfon sa may tomas morato. eh alam ko malapit yun sa abs kaya sabi ko sama na ako sa kanya. alam ko kxe me taping rin ng little big star sa araw na yun. nung una, ayaw pumayag ni papa na sumama ako kxe magtatrabaho raw sha. pero pinilit ko tlaga sha. sabi ko sa kanya kahit iwanan na lng nya ako sa abs. kaya ko naman mag-isa eh. hayun, pumayag din! ang bait bait talaga ni papa! labshu papa! ahihihihi! tsaka pinahiram pa nya sa kin celfon nya, yung nokia k10 ba yun, basta yun. mahaba pala ang pila para lang makapasok ng abs. sa awa naman ni lord, pagkatapos ng 5 oras, nakapasok din. hay! pero otei lang kasi nakita ko naman si makisig!!!waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!! talagang kinodakan ko sha!!!!! wala ng hiya hiya! ahihihihihihi!!!! sabi pala nya maganda ang celfon ko. shempre, ke papa yun noh. ay, heto pix nya. sabi ko nung nag posing na siya, "SAY MAXI!" ahihihihihi. kyut nya noh?!



me piktyur din na kaming dalawa lang kaso yoko ilagay dito kxe pangit ko dun. ahihihihi. tsaka di ko xha nagawang halikan. nahiya ako eh. ahihihihi! :)

Wednesday, November 02, 2005

happy haloween

tama ba speling ko ng haloween? ahihihihi! kebs! basta ang saya saya namin dito nung haloween! nag trik or trit kami nina les, monique at nars sa buong barangay. sosi di ba?! naninibago nga ang mga kabaranggay namin kasi di nila alam kung ano ang trik ot trit. sabi ko, basta bigyan lang nila kame ng mga kendi. eh yung iba, walang handang kendi kaya pera na lang ang binigay. eh di mas otei! ahihihihi... ang saya saya talaga sobra! shempre, dahil ako ang pinakamaganda, ako ang nakakuha ng pinakamaraming trit. sabi ko nga sa inyo di ba, nag ala precious lara quigaman ang byuti ko. kasi sina les at nars nag white lady costume lang. si monique naging black lady naman. e negra na nga sha eh. shempre natakot yung ibang mga bata ng mga pinag trik or tritan namin. umiyak nung sumigaw na sila ng trik or trit! ahihihihi... sa susunod na taon magtitrik or trit daw ulit kami. sasali na rin daw yung ibang mga bata ngayong alam na nilang me ganon pala. o di ba bongga, kami ang nagpasimuno?!

kailangang ko pa bang sabihin kung sino ang nanalong best costume at Miss Haloween 2005 ng gabing yun? ahihihihihi....:)

Saturday, October 29, 2005

undas na naman...

sa tuesday, punta kami nina papa sa manila cemetery. dadalawin namin ang puntod ni mama. nami-miss ko na si mama. ang bait bait nun tsaka sa kanya ko minana ang aking ganda. ahihihi. ewan ko ba, nung namatay ang mama ko, ako na ang ginagawa nilang mama sa bahay. ako ang nagluluto, naglalaba, naglilinis ng bahay, namamlantsa, lahat ng mga dating ginagawa ni mama ako na ang gumagawa! hay! pero otei lang. enjoy rin naman. tsaka binibigyan din naman ako ng balato ni papa. kumusta na kaya si mama. sana nasa heaven sha para magkikita rin kami balang araw. feeling ko naman sa heaven ako mapupunta kasi good girl naman ako eh. ahihihihi...

magpipicnic raw kami dun sa sementeryo sabi ni kuya bogs. sana enjoy nga. at sana me mga kyut na boys! ahihihihi. ang landi landi ko nah! erase erase. bata pa ako noh!

osha at may halloween party pa kami nina leslie. kakabugin ko sila sa costume ko. magbibihis white lady daw sila pero ako, magbibihis miss international! gagayahin ko ang suot ni precious lara quigaman nung nanalo sya ng crown sa japan! ahihihihi. take care!


Free Hit Counters