tsinelas at lipstik
nawala tsinelas ko pero may kapalit na lipstik.
ganito kasi yun. rumarampa kami nina nars at leslie sa may kanto, sa may basketbolan. marami kasing boys dun e. tinutukso-tukso kami lalo na nung isang cute, si bochok. pangit pangalan pero promise cute siya talaga! kaso nung lalapit na sana sa amin parating naman sina papa at si kuya boy. ayun napatakbo kami nina leslie. naiwan tuloy isang tsinelas ko. pero pagdating ko naman ng bahay, nakasalubong ko si ate janet, nagtitinda ng avon. binigyan niya ko ng lipstik basta ireto ko lang siya kay kuya bogs. kinuha ko yung lipstik na ang flavor e strawberry red. bagay sa kin! bibigyan pa daw niya ko ng blashon tsaka nung pangkulot ng pilikmata! kawawa naman siya ayaw sa kanya ni kuya bogs pero siyempre di ko sasabihin yun sa kanya.
kung lalaki lang ako, liligawan ko siya. kadiriiii! erase erase!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home